Here is an excerpt from a poem called “Youth”, by Samuel Ullman (1840-1924), emailed to me by my japanese host “Otosan” (“father”) when he learned I was leaving Japan for Sweden way back 2001. A very beautiful poem, which alongside Desiderata, continues to be of great influence to me how I perceive myself and the world.
Youth is not a time of life;
it is a state of mind;
it is not a matter of rosy cheeks, red lips and supple knees;
it is a matter of the will, a quality of the imagination,
a vigor of the emotions;
it is the freshness of the deep springs of life.Youth means a temperamental predominance of courage over timidity, of the appetite for adventure over the love of ease.
This often exists in a man of sixty more than a boy of twenty.
Nobody grows old merely by a number of years.
We grow old by deserting our ideals.
Interestingly, the poem is very popular in Japan due to it being a favourite of Gen. Douglas MacArthur, the Supreme Allied Commander in the Pacific during and after WWII, who had the poem posted on the wall of his Tokyo office. Here is the link to the complete poem: Samuel Ullman Museum.
And here’s my own translation into Tagalog/Filipino (2007):
Ang kabataan ay hindi isang antas ng buhay;
ito ay ang kalagayan ng pag-iisip;
hindi ito patungkol sa mabuburok na pisngi, mapupulang labi, at matibay na tuhod;
tumutukoy ito sa lakas ng kalooban, uri ng guni-guni, sidhi ng damdamin;
ito ay ang kasariwaan niyong malalim na bukal ng buhay.Ang kabataan ay ang pangingibabaw ng katapangan sa kahinaang-loob,
ang kagustuhan sa pakikipagsapalaran imbes na sa kadalian.
Madalas itong nakikita sa isang animnapung taong gulang kesa doon sa dalawampung taon.
Walang sinuman ang tumatanda dahil sa haba ng panahon.
Ang pagtanda ay nagaganap sandaling
lisanin natin ang mga dakilang hangarin.Maaaring mangulubot ang balat sa paglipas ng taon,
subalit ang pagpapabaya sa sigasig ng buhay ay nakakapangulubot ng kaluluwa.
Ang pag-aala-ala, takot, kawalan ng tiwala sa sarili ay nakakalagas ng puso
at ang diwa ay nagiging alikabok.Maging animnapu man o labing-anim,
sa bawat puso ng isang tao ay may umiiral na pagnanasa sa kamanghaan,
‘kumbaga batang paslit na laging sabik sa magaganap,
at sa kagalakan ng laro ng buhay.Doon sa kaibuturan ng iyong puso at ng aking puso
ay may antenang nakahimpil;
habang ito ay nakakatanggap ng mensahe ng kariktan,
pag-asa, tuwa, tapang, lakas mula sa sangkatauhanat
mula doon sa Itaas,ikaw ay mananatiling bata.Sa panahong nakatumba ang antena, at ang iyong diwa ay natatakluban ng
niyebe ng pag-aalinlangan at kawalang pag-asa,
ay doon magsisimula ang iyong pagtanda, kahit na ikaw ay dalawampu pa lamang.
Subali’t habang nakataas yaong antena,
at handang sumagap ng kalatas ng kinabukasan,
ay maaring isa ka pa ring bata sa iyong paglisan pagsapit ng walumpo.
“We grow old by deserting our ideals.”
Sure it so, unfortunately unfortunately… 😥